PapaVhen Morales

mothers day

PapaVhen Morales
mothers day

9 Plays

08 May 2021

9 na buwan mo akong dinala sa iyong sinapupunan. ‘Di inalintana hirap sa paglilihi at iba’t ibang pakiramdam bunga ng pagbabago sa iyong katawan. Mas naging maingat ka dahil alam mo ako’y iyong mapoprotektahan… at tama nga… sinilang akong malakas, malusog at para sa’yo ay isang pagpapalang buhat sa Diyos. Hindi lang sa pagsilang ko natapos ang lahat… Gabi gabi kang napuyat, napagod at halos wala ka nang pagkakataon na mag-ayos, alagaan ang sarili at ibalik pa sa dati ang iyong kinasanayan. Subalit, OK lng… dahil lahat ng ito’y PARA sa AKIN.. Kayo mong iwan lahat… wala ng iba pa kundi PARA sa’kin. Oo tama, PARA pa din SAKIN. Lumaki ako…. Ikaw ang unang nagturo sa akin ng ABAKADA. At kapag may sakit naman daig mo pang caregiver, nurse at doktora. Marami kang nilulutong masasarap na pagkain upang sa pag-uwi ko mula sa school ay manumbalik ang lakas at makapagpatuloy. Nakita kong pinagsasabay-sabay mong lahat, paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay at pag-aasikaso sa’kin. Tutulong sana ako ngunit sasabihin mong, “ANAK AKO NA, UNAHIN MO MUNA ANG IYONG TAKDANG-ARALIN.” Tama, PARA sa’kin. Ayos lang mapagod ka, basta PARA SA”KIN. Ayos lang kung ikaw muna ang gumawa ng lahat. Kasi ito’y PARA SA’KIN. Kapag ako nama’y nasaktan una ka pang iiyak…. Ng LIHIM.. Itinatago mo ang pagpatak ng iyong luha sa kadiliman ng iyong kwarto. Ang ipapakita mo lamang sakin ay ang iyong TAPANG upang ako’y ipagtanggol sa lahat ng aking laban. At ipaunawa sakin na meron akong kakampi at masasandalan. At kapag lahat ng bagay ay madilim at wala akong maunawaan, nariyan ka bilang ILAW na mistulang araw na siyang nagsisilbing liwanag upang bigyang sagot lahat ng aking katanungan. “Salamat”, salitang alam ko naman sa puso’t isipan ko na kulang pa upang matumbasan lahat ng sakripisyo mo’t pagmamahal. Salamat, pangakong dadalhin ko lahat ng iyong pangaral.. Salamat, hindi ko malilimutan ang ngiting pinapasilay mo sa iyong labi na nangangahulugang, “Ayos lang, anak.. andito ako para sa’yo..” na siyang nagpapagaan ng bigat ng aking pakiramdam. Mommy, Ina, Madir, Nanay, Mom, Inang, Nana, Mamu, Omma o Mama. Kahit ano pang tawag sa’yo, nais kong malaman mong na-appreciate ko ang lahat lahat ng ito at sa puso ko ika’y ay mahalaga!!!

1 Comments

Leave a comment

3 years ago

You may also like