24bars day off
Marami rami na rin akong pinagdaan Taas noo sa bawat iskinitang nilkaran Walang pake basta’t walang natatapakan Na ibang tao bagkus aking pinakisamahan Hirap at ginhawa aking nang nararanasan Dapat marunong lumingon sa pinanggalingan Alam ng salamin pangako ko sa sarili Kaya’t mabuhay araw araw aking pinipili Mabuting intensyon saking isipan nananatili Nagwawalang halimaw sa loob ko itinali Edad katorse tinubuan na ng sungay Tingin saking mata ito ay mapungay Sarili lang kasangga sa hamon ng buhay Kahit na anong mangyari mahal ako ni nanay Tiis tiis muna sa almusal na tinapay Kakain ng masarap pag naabot ang tagumpay Inuunti unti kona aking mga pangarap Kaya nga eto ako ngayon ako’y napa rap Buhay ko kahit di magaan pero masarap Sariwang hangin sa umaga aking nilalanghap Ayoko sa chemical gusto ko sa natural Tapos palakad lakad na parang namamasyal Ako ay simple lang hindi naman pasyosyal Araw araw gawin nating espesyal
You may also like

Leave a comment
See track description ↑