Nag tataka ang isip
(Lyrics 1) "Yeah yeah 2x, lahat ng maririnig sa musika na ito ay pwedeng ngyari na. Isa sa inyo, yah yah yah 1x. Noong sinilang ako sa mundong ito, namulat ako sa buhay na ito. Iniisip ko na maayos ang aking pagkabata, pero nakikita ko sa mga mata ng iba na parang kakaiba ako sa kanila. Nakikita sa mata nila at nagbubulungan sila kapag nakikita ako sa kalsada mag-isa. Nagtataka ang aking batang isip kung ano'ng meron sa akin. Iniisip kong simple lang 'yun at masasanay din ako, pero nasanay na ako. Kaso, ano'ng kapalit? Nawawala yung mga taong mahal at mababait sa paligid. Hindi ko na ulit mararanasan makita yung mga taong nakapaligid at makukulit sa akin. At di namin inaasahan ang pagkawala ng aming ama noong ika-apat ng Pebrero. (Lyrics 2) Nakakainggit yung iba na may makakasama na ama sa Hunyo 15. Hindi ko mararanasan ang yakap ng aking ama. Di namin makakasama sa Araw ng mga Ama. Siya nalang ang aking huling lakas noong siya ay nawala. Lahat ay nagwakas isa-isa, parang bahay na sinisira. (Lyrics 3 and last) Ngayon, si Lola nalang ang aking huling lakas. Siya lang ang naging nanay ko noong bata pa ako. Pinapatahan ako kapag naaapi ng iba. Kasama ko siya kahit sa gabi na wala kaming makain. Asukal at kanin, nasasapat sa amin. Simpleng pagkain, sabay-sabay kaming kumain. Di ko inaasahan na sa simpleng iglap, lahat ay nawala. Pero ngayon, si Lola ang natira. Babantayan ko siya at aalagaan ko siya, at bibigyan ko siya ng oras habang kami ay magkasama. Kumakain kami sa hapagkainan. Salamat po, Lola. Mahal ka namin."
You may also like

Leave a comment
See track description ↑
🙌 Your lyrics are raw and real, keep it up! 💥🎤 Bars: Dope 🔥 Delivery: Dope 🔥 Impression: Dope 🔥