Lahat tayo may pinagdaraanan, Magkakaiba lang ang antas ng bigat na pasan. Kani-kaniya lang paraan kung paano dadalhin n
Lahat tayo may pinagdaraanan, Magkakaiba lang ang antas ng bigat na pasan. Kani-kaniya lang paraan kung paano dadalhin nang hindi napapansin— May mga istorya tayong hindi natin kayang sabihin Maaaring paulit-ulit mong kinakaya ang iyong mga problema. Pero may mga tao rin namang gusto nang sumuko subalit hindi lang nila pinapahalata, Dahil dito sa lipunang ating ginagalawan— Nakakalungkot man, itinuturing itong kahinaan. Kung para sa'yo ito ay magaan lang, Baka sa iba hindi na nila alam kung paano pa lalaban. Kung para sa'yo ito'y hindi na masakit— Marahil sa kanila ito pa rin ang sugat na dumudurog sa kanila nang paulit-ulit. Maging marahan. Lahat tayo ay may pinagdaraanan, Kung kaya't, pag-isipan muna ang bibigkasin bago bitawan. Dahil kung ang isang salita ay kayang magpagaan ng bigat sa puso— Mas may kapangyarihan itong magpaguho ng mundo Samahan mo ng puso at tiwala, Ang bawat paghakbang mong ginagawa. Tiyak na may gantimpala kang mapapala— Sapagkat sa'yong sariling husay at kakayahan ika'y naniniwala. Haluan mo ng pag-ibig, Ang bawat pantig na iluluwa ng iyong bibig. Walang bayad ang pagiging mabuti— Ngunit palaging may sukli. Sundan mo ulit ng lakas ng loob, Ang bawat lungkot at takot. Siguradong hindi ka malulugmok— Dahil sanay ka na sa pagsubok. Sabayan mo ng panalangin, Ang bawat pangarap at hangarin. Ang para sa'yo ay kusang loloobin— Dahil hindi ka nagpatalo sa mga suliranin.
You may also like

Leave a comment
See track description ↑
gggfdddffgggghtfdddfffgfffddddddffggfdsssd
Hey @91awesomefreestyler we liked your track 'Lahat tayo may pinagdaraanan, Magkakaiba lang ang antas ng bigat na pasan. Kani-kaniya lang paraan kung paano dadalhin n', We're so happy you're joining the Rap Fame Community, so here's a couple tips from us: 1. Letting the beat dictate your flow is a simple way to sound smooth. 🌊 2. Some eye-catching cover art can draw new people to your music! 🎇 3. Using headphones will really improve the quality of your track! 🎧 4. Keep experimenting with vocal effects! Sometimes less can even be more! 😲 Test different effect levels and settings to find the best balance! 5. Try using our denoise feature to reduce the background noise from your device! 6. Try entering one of our weekly contests for the chance at winning the $500 grand prize! 🥇 We hope to hear some more from you in the future, we would love to hear how you take our advice on board! 💪 All the best, The Rap Fame Team 😎