Itsme_Liam
Itsme_Liam

Marupok Track

Marupok Track

37 Plays

30 Oct 2020

"Marupok ako " By:itsmeliam Marupok? Oo nga ako to Kasi ako yung tipo ng tao Na kahit gusto ng sumuko Isang sorry mo lang ok nako Na sa mga simpleng bagay Madaling bumibigay Tapos kapag wala ka hindi ako mapalagay Na para bang ikaw ay mawawalay Oo paranoid ako Madalas kahit maliit na bagay apektado ako Ayoko lang naman na maiwanan na naman ako Tapos aasa nalang sa mga pangako Mabilis akong umiyak Na kapag nasasaktan para bang puso ko’y binibiyak At kahit na ako’y talak ng talak Mga luha ko’y sayo lang papatak Ang hirap maging marupok Kasi para kang nagiging pokpok Lahat gagawin para lang maaliw Maging sakin kalang giliw Ilang chance yung binigay ko Pero parang walang bago Pumupunta kalang sa piling ko Kapag wala na siya sa tabi mo Konting bigay mo lang ng motibo To the rescue na naman ako Kahit alam kong iiwan mo rin ako Handa parin akong sumalo Marupok ako, Oo Pero sayo lang ako ganito Kaso masaya kana sa bago mo Habang ako, durog na durog nung iwan mo Pero, nakakatakot na kasi Baka bumalik kana naman sa dati Yung iiwan mo na naman ako sa ere Tapos parang walang nangyari Kaya siguro panahon na Para yung pagiging marupok ko sayo itigil ko na Tama nga sila Madami pa namang iba Kung magiging marupok man uli ako Sisiguraduhin ko ng tama yung tao Para kapag sumugal ako Sigurado, ako ang panalo

3 Comments

Leave a comment

3 years ago

🏆👏👏💪⭐🤑✔️

3 years ago

👀

4 years ago

You may also like