mcrhoan

pukaw

mcrhoan
pukaw

5 Plays

27 Jun 2020

Eto ang panahon na mas lalo pang namulat dahil saking tinamong mala balon na mga sugat nalasahan ang pait kaya nagwawala ang utak mga di masabi ay idinaan na lang sulat Mensahey tinula para makuha ng maayos ating mga katawan sa orasan ay nakagapos nakakulong sa kwartong mistulang isang iwahig kasama mga taong isang tuka at isang kahig Puti asul dilaw kulay dugo na merong araw meron din tatlong bituin at sa hangin sumasayaw lahat ng dumadaaan sakanya'y tumitingala dahil matayog ang takong sa sinuot niya na bakya ngayon tanong ko lang naman handa kana ba madapa kapag tinisod ng banyaga sa sarili mong bansa inulila ng singkit inipit at pinilipit pa hanggang sa maging gipit Na wag mong tangkain umawit dahil pag kinalabit ka malamang sa malamang sa sementeryo ka rerekta Kung diwa mo'y pariwara mapapa aga ang higa mo sa kahong parihaba Ngayon buksan mo ang mata masdan mo ang tinatakapan ng iyong mga paa Ang lahat pinapaikot at minamanipula Mula sa mga palad na madalas nasa bulsa kung barya lang ang pera mo malayo na maisalba Dito sa ating lugar na ang hutisya ay bayad katotohanang masakit dina kailangan pumalag wala daw Mapapala kase Hindi naririnig mas maigi kumuda kesa itikom ang bibig ayoko sumabay sa agos o magpatangay sa alon di titigil tumalak lampake kung di sang ayon Sa sistemang lumason ang bayan di makabangon Mga gagong makabagong nang gagago sa pinoy Ginagawang libangan ang pagkuha sating yaman Dimo lang napapansin kase nabubulagan kung patuloy hahayaan Baka pagdating ng araw ay wala ng aasahang pananim sa sakahan Aantayin mo paba yun bago kapa kakabahan teka lang pinoy ako ika nga ni pepe sakin merong balat kalabaw napakasarap lang isipin kumpara sa tulad mo Malabo mo tong nanaisipin Hindi mo makikita kung hindi mo sisisirin Ang mga sinasambit at kung anong ibig sabihin Ngayon ay nag apoy yung dating tuldok lang na baga na magbibigay ng ilaw sa naliligaw na bata Teka bat kaba nandito bat kaba nakikinig marahil tulad mo ako isang uhaw din sa dilig at sa bawat pag patak naging hayok at nanabik Na gumising saking diwa dahil kanyang tinapik

1 Comments

Leave a comment

4 years ago

You may also like