Pilipinas Kong Mahal
Justinlee BalilaSa silangan matatagpuan Isang dalampasigang puno ng diamanteng kumikinang Bansang minsan ng sinakop ng mapang-aping mga dayuhan Ngunit ngayo'y narito, tinatamasa ang pinapangarap na karamihan Kalayaang minsan ng naging pangarap Ngunit dahil sa mga bayaning nagsikap At mamamayang nagkaisa't yakap-yakap ang bawat isa Ngayo'y naging katuparang ganap At sa wakas ang Araw at Tatlong Tala ay wala ng tigil sa pagkislap Tayo'y mga pinoy Dugong mandirigma ang sa ating mga ugat dumadaloy Laitin ma't minsay apihin Ngunit patuloy sa pagningning na animoy mga bituin Ano mang hirap ay kayang harapin Mga pangarap ay walang alintana't kayang abutin At sa bawat umagang dumating Mga bagyo't lindol man ay di kayang kami'y patigilin Sapagkat kami'y mga Pilipino Pagsuko ay di alam ng aming mga puso Pusong palaban Kayang harapin kahit sinong kalaban Lakas ng mga banyaga'y kayang pataubin Ano mang pagsubok ay di kami'y kayang pigilin Sapagkat sa bawat laban ang Diyos ay laging kasama Ang kanyang mga salita ang liwanag sa aming mga paa Isang laban Isang bansa Isang laro Isang diwa Kami'y Pilipino LALABAN NG SAMA-SAMA MANANALO BILANG ISA
Leave a comment
Sa silangan matatagpuan Isang dalampasigang puno ng diamanteng kumikinang Bansang minsan ng sinakop ng mapang-aping mga dayuhan Ngunit ngayo'y narito, tinatamasa ang pinapangarap na karamihan Kalayaang minsan ng naging pangarap Ngunit dahil sa mga bayaning nagsikap At mamamayang nagkaisa't yakap-yakap ang bawat isa Ngayo'y naging katuparang ganap At sa wakas ang Araw at Tatlong Tala ay wala ng tigil sa pagkislap Tayo'y mga pinoy Dugong mandirigma ang sa ating mga ugat dumadaloy Laitin ma't minsay apihin Ngunit patuloy sa pagningning na animoy mga bituin Ano mang hirap ay kayang harapin Mga pangarap ay walang alintana't kayang abutin At sa bawat umagang dumating Mga bagyo't lindol man ay di kayang kami'y patigilin Sapagkat kami'y mga Pilipino Pagsuko ay di alam ng aming mga puso Pusong palaban Kayang harapin kahit sinong kalaban Lakas ng mga banyaga'y kayang pataubin Ano mang pagsubok ay di kami'y kayang pigilin Sapagkat sa bawat laban ang Diyos ay laging kasama Ang kanyang mga salita ang liwanag sa aming mga paa Isang laban Isang bansa Isang laro Isang diwa Kami'y Pilipino LALABAN NG SAMA-SAMA MANANALO BILANG ISA
You may also like