J Mav

dalaga sa hinaharap

J Mav
dalaga sa hinaharap

113 Plays

5 months ago

Ang ganda namang tanawin Nang ngiti mo na malalim At tinig mo na kay lambing Ang lamig srap dam'hin Halata naman sa akin Pag nagtagpo mata natin Kakaibang damdamin Ang aking napapansin Isang dalagang nagmula sa panahon na makabago. Ang babaeng pinantasyang sa hapunan makasalo. Kahiya man ay agarang sinulatan ka ng berso. Katunayan ikaw lamang inalayan ng may tempo. Sana lamang maibigan mo ang aking niremedyo. Kadalasan ako'y laging humahanap pa ng tyempo. Makayakap kungsakali't sa pisngi moy makabeso. Makausap ka parati't makahati ko sa kwento. Ano man ang mangyayari di ko kayang makuntento. Sasamahan ka sa langit oh kahit pa sa impyerno. Nag iinit ang paligid kala mo nasa desyerto. Nanuyo ang lalamunan pahingi naman ng yelo. Halikat yumuko sabayan mo akong bumwelo. Tumalon o lumundag na para bang nasa konsyerto. Kung para sayo hindi sapat ang pakuswelo Malamang ubos nanaman ang pera pagkakuha ko ng sweldo. Ang ganda namang tanawin Nang ngiti mo na malalim At tinig mo na kay lambing Ang lamig srap dam'hin Halata naman sa akin Pag nagtagpo mata natin Kakaibang damdamin Ang aking napapansin Kilala mo naman ako madali lang tong yayain  kung san man ako tawagin ay ikaw ang uunahin. Kahit pa alanganin pamasahe lang ang akin  di ka mabibitin lalo pag dating sa kama natin. Lahat aking hahamakin kahit gano man kalalim. Sagad ko yang sisisirin maubusan man ng hangin. Ikaw ay mamahalin di ka pwede na sirain. kung pupwede nga lang sana dito ka nalang sa akin. Pero syempre di pa dun ating hangganan. Para sayo prinsesa ay handa kong patunayang. Akoy nandito lang upang iyong maging sandalan. Pangako ako ang lunas sa masakit mong naransan. Hindi ako tala na may matinding kasikatan Nais ko lang araw araw ka na masilayan Sana lamang Wag mo akong masyadong  pahirapan. Lahat ng gusto mo'y handang handa ko yang igapang. Ang ganda namang tanawin Nang ngiti mo na malalim At tinig mo na kay lambing Ang lamig srap dam'hin Halata naman sa akin Pag nagtagpo mata natin Kakaibang damdamin Ang aking napapansin

5 Comments

Leave a comment

Bars: Perfect 💯 Delivery: Perfect 💯 Impression: Perfect 💯

5 months ago

Bars: Perfect 💯 Delivery: Perfect 💯 Impression: Perfect 💯

5 months ago

Bars: Perfect 💯 Delivery: Perfect 💯 Impression: Perfect 💯

You may also like