J Mav

Tuloy lang "J Mav"

J Mav
Tuloy lang "J Mav"

167 Plays

5 months ago

Tuloy lang By. J Mav Sa dami nang pinagdaanan Malubak man o kapatagan Malaking pader na nakaharang Sa dala kong maso mapapalaban Talagang may mababasagan Sino bang ayaw maging mayaman Umay na umay na sa kalakarang ng kahirapan ako ay binabanatan. Ganun pa man, salamat parin sa mga taong gumawa ng kanta. Na kundi dahil sa awit at himig akoy matagal nang nakabulagta. Lunod na sa kalungkutan at naglalakad sa kalsada't nakayapak pa Habang tinatanong saking sarili na pano ba to? Kaya pa ba? Kaya pa ba kaya mo bang mabuhay sa mundo na kasama sila? At kahit na anong gawin mo sa mga mata ng tao ay kakaiba. Wag mo ibuhos masyado kasi sigurado ko sayong masasaid ka. Mairita ka man nang mairita, ganyan talaga kasi manhid sila. Kaya pa yan. Ang bawat pagsubok malalagpasan. Kahit gaano kalayo ang lalakbayan. Tumingin ng deretso't humakbang ka lang. Huwag kang matakot na malamangan. Sumabay lang sa alon ng karagatan. Kailangan bumangon sa nakaraan. At ang mga hamon ay papalagan. Hindi na nagawa mga nakatabi na plano. Saking pagkadapa ay dinibdib ko yun masyado. Kapag lumalabas ay palagi na kong kabado. Sapagkat nahihiya sa mga nakatinging tao. Pero kahit ganon ay pinipilit kong bumangon. Upang pagkasyahin ang kinita ko sa kahapon. Dahil kapag gutom ay kailangan mo lang lumamon. Labanan mo ang buhay kung ikaw ay hinahamon. Sating karanasan ay dapat merong matutunan. Kung saan ka may mali, yun ang dapat na tutukan. Ang buhay ng iba ay wag nating panghimasukan. Walang tao ang perpekto lahat ay may pagkukulang. Paligayahin ang sarili bat hindi mo yun subukan. Ayos ang magkamali wag lang aabot sa sukdulan. Kung mangarap ang iba ay wag na wag mong tutulan. At kung kaya mo naman ay bat hindi mo sya tulungan. Hinga nang malalim at Kilos pabagalin ipasa mo saakin pagkatapos pabagahin Di ka man umamin ay Dinig ko ang pag angil Kung hindi ka aawayin ay hindi kapa aamin. Tinig nyang pasaring sa hilik na dadaanin Lumihis man ang hangarin, tumingin ka lang sa langit. Ngumiti ka kung sakaling humindi ang ama natin. Kung hindi ka umaani ay hindi makakakain

16 Comments

Leave a comment

Bars: Dope 🔥 Delivery: Dope 🔥 Impression: Dope 🔥

5 months ago

Bars: Perfect 💯 Delivery: Dope 🔥 Impression: Perfect 💯

Bars: Dope 🔥 Delivery: Dope 🔥 Impression: Dope 🔥

You may also like