Tan's G Prslio
Tan's G Prslio

Sorry Child me

Sorry Child me

26 Plays

2 months ago

Kung sakaling bigyan man ako ng pagkakataong makausap ang batang ako. Sasabihin ko sa kanyang, huwag siyang magmamadaling tumanda. Ang mundo ko ngayon ay hindi na katulad sa nakikita ng kanyang mata— Mailap dito ang pahinga. Sasabihin ko sa kanya na ang pinakamahalaga sa lahat ay pamilya. Sulitin ang oras habang magkakasama, Dahil ngayon, may mga pagkakataon na ikaw na lang mag-isa— Kakayanin mo kahit hindi mo kaya. Hihingi rin ako ng paumanhin kung nabigo ko man siya. Kung hindi ko man naibigay ang buhay na gusto niya. Kung hindi ko man natupad ang mga pangarap na isinulat niya sa likod ng kwaderno— At kung ngayon, pagod na ako. Yayakapin ko siya nang mahigpit. Ibubulong nang paulit-ulit. Kung puwede lang sumaglit— Itutulak pabalik. Para sa batang ako, Diyan ka na lang— Malungkot dito.

1 Comments

Leave a comment

You may also like