Ouchie
Ouchie

ala una real one

ala una real one

35 Plays

27 Feb 2022

ala una gising padin, wala namang nagbago ikay ganun parin, di ko mapigil, kahit na anong gawin, di ka mawalasa sa isip ko kahit na pigilin, masakit man para sakin, at di sayo ikaw man ay ok at ako ay ganito walang dapat sisihin syempre kundi ako, ako naman tong nagsusumiksik sayo. inakalang masaya ka pag kasama mo ako, na nababawasan ko ang mga iniisip mo, na napapagaan ko yung kalooban mo, na naproprotektahan kita pag ako ang kasama mo, pero hindi, maling mali, paniniwala ko puta baling bali. ingingiti nalang at magkukunwari, kahit na oo ang puso koy sawing sawi. pero ok lang, kung san ka masaya. kung ayaw mo sa akin, syempre susundin kita. wag ka magalala sakin ako ay masaya, na lalayo sayo kase ang mahalaga, ikaw ay mapagbigyan, sa huling pagkakataon, mga ala ala natin akin nang ikakahon, at tanggapin nalang na walang pagkakataon, na mangyare yung pangarap ko noon hanggang ngayon. pero kahit anong gawin ako ay nasasaktan, sa twing nasasalubong ka na di ka man lang matignan, lalo na pagnaiisip na akoy yong nilalayuan, tanginang pagibig to akoy pinaglalaruan. pag ikaw ay nakangiti akoy tunaw na tunaw, sa pagibig mo oo akoy uhaw na uhaw, ang ganda mo padin umulan man o umaraw, ako ay kuntento na kahit na sa tanaw , lang kita, masasabing kong akin ka, sakin ay wala ng makakaagaw pa. sabay may yakap at meron mga halik pa. pero teka bat akoy nagising pa. inistorbo nyo ako sa pananahinip ng gising, bat di nalang hinayaang bangungutin ng gising, ok lang naman sa akin kahit mapagtripan ng lasing, ang mahalaga ikaw ay kasama padin. pero sa masakit man isipin kailangan ko nang matanggap, tingilang ang pantasya pati na pagpapanggap. wag kang magalala dahil sa iyong pag kurap, pag dilat nang yong mata wala nako sayong harap.

Be the first who leave a comment.

Leave a comment

You may also like